Pangalan niya'y Abigail. Siya'y hindi kaliitan. Isa siya sa mga pinagpalad na magkaroon ng malaking hinaharap. Kung minsan may kolorete pa yang linalagay sa mukha niya. Pero, maganda rin namang tingnan kaya ok lang. Hay, andami na naming pinagsamahan. Pero, pag-usapan na lang natin yan sa ibang pagkakataon.
Si Abigail. Nagkakilala kmi nung college. Sa interview yun para matanggap sa isang unibersidad sa Iloilo. Parang siyang asong gala na palakad-lakad sa isang building. Pinapaypayan niya ang sarili niya gamit ang kanyang mga kamay. Kasabay nito ang paghinga ng malalim bawat segundo. Natural, lumapit ako. Sabi ko, "Are you alright?". "I'm ok, I'm just a little bit nervous..." Yung gaga! Akala niya sa akin tanga. Obvious naman na super duper kinakabahan siya e. Denial pa. Hinayaan ko na lang gumala sa lobby. Finally, tinawag na kami. Sabay kaming ininterbyu. Pagkatapos umiyak-iyak ng iyaking kasabay namin, lumabas na kami. Si Abigail? Ayon, nakahinga rin nang maluwag. Doon kami nagsimulang maging magkaibigan.
Sa unang tingin, sira ulo. Pagtumingin siya sayo, parang mahiyain na mabait. Pagtumagal-tagal na ang usapan niyo, malalaman mong mabait na mahiyaing sira-ulong klase ng tao si Abi.
Marami yang drama. May make-up para sa mata, clinique na blush-on at lip gloss (kung minsan) na bitbit. Mahilig rin siya sa musika, mula kay Mandy Moore tungo sa Fergie hanggang sa System of A Down. Gustung-gusto niya mag-shopping, manigarilyo at uminom ng kape sa Bo's. Kung saan-saang lupalop ng mundo na yan nakarating. Sabi niya sa akin, mag-aaral raw siya ng medisina. Sabi niya rin virgin siya. Virgin-virginan! Ganyan yan talaga siya pag sober siya. Minsan, ayaw niyang umuwi kasi mag-aaway raw sila ng nanay niya. Siyempre, kung ikaw ba naman ang nanay at ang unica hija mo ay umuwi na amoy yosi at beer. Pero, excited siya kung pupunta sila ng SM kasi bonding time raw nila 'yon. Sabi niya "money can't buy happiness, money isn't everything". Pero siya yung bumili ng singkweta mil na celphone, na hindi naman user-friendly, dahil walang ganyang celphone sa bansa natin. Pilipino raw siya, proud daw siya, pero hindi naman matatas magsalita ng wikang Pilipino.
Sabi e, komplikadong tao. Pero mapagtitiisan naman. Joke lang, kahit komplikado siya naging matalik na magkaibigan. Hmmm, siguro, dahil pareho kaming komplikado. Wala akong pakialam. Salamat nga pala para sa lahat. Basta ang alam ko walang katulad si Abigail. Ang isinulat kong ito, para sa sira-ulong si Abigail at sa aming pinagsamahan. Abi, baka mabasa mo to, may utang ka na salamat at sangkatutak ng compliment sa akin. Sayang ang oras ko sa pagtype nito.
